Answers

2015-10-09T01:19:55+08:00
ungsod at munisipalidad[bayan] na bumubuo ng Kalakhang Maynila. Matatagpuan ang lungsod sa baybayin ng Look ng Maynilana nasa kanlurang bahagi ng Pambansang Punong Rehiyon na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Luzon. Isa ito sa mga sentro ng negosyo ng umuunlad na kalakhang pook na tinitirhan ng humigit sa 19 na milyong katao.[1][2]Ang Maynila, na sumasakop ng 38.55 na kuwadrado ng kilometro,[3][4] ay ang pangalawang pinakamalaking lungsod ng Pilipinas, na may humigit-kumulang na 1.6 milyong kataong naninirahan. Mas matao nga lang ang lungsod Quezon, ang dating punong lungsod ng bansa. Ang kalakhang pook ay ang pangalawang pinakamalaki sa Timog-silangang Asya.[1]Ang Maynila ay may 900 na kilometro ang layo mula sa Hongkong, 2,400 na kilometro ang layo mula sa Singgapur at mas marami ng 2,100 na kilometro ang layo sa hilagang-silangan mula sa Kuala Lumpur. Ang ilog Pasig ang humahati sa lungsod ng dalawa. Sa depositong alubyal ng ilog Pasig at look ng Maynila nakapwesto ang nakakaraming sinasakupan ng lungsod na gawa mula sa tubig.Noong kapanahunan ng mga Hispano, itinaguyod ang lungsod na may umpok-umpok na pamayanan na pumapalibot sanagsasanggalang haligi ng Intramuros (nahahaligihan), ang orihinal[tunay] na Maynila. Ang Intramuros ay isa sa mga pinakalumang nagsasanggalang na haligi[tanggulan] sa timog Silangan, ay ginawa at dinisenyohan ng mga misyonaryongHeswita para hindi masakop ng mga Tsino ang pamayanan at mailigtas ang mga mamamayan. Noong kapanahunan ng Amerikano, ilang pagsasaayos ang isinagawa sa katimugang bahagi ng lungsod at ginamit ang arkitekturang disenyo ni Daniel Burnham.Ang Maynila ay tinatabihan ng ilang lungsod sa Kalakhang Maynila katulad ng lungsod ng Navotas at lungsod ng Kalookan sa hilaga, lungsod Quezon sa hilagang-silangan, lungsod ng San Juan at lungsod ng Mandaluyong sa silangan, lungsod ng Makatisa timog-silangan at lungsod ng Pasay sa timog.Noong ika-13 dantaon, ang lungsod ay binubuo ng mga tindahan at tanggapan tagatanggap sa may tabi ng baybayin ng ilog Pasig, na nasa hilaga ng mga makalumang pamayanan. Ang opisyal na pangalan na binigay ng mga Malay sa lungsod ay Seludong/Selurung, na ginamit din sa isang bahagi sa pulo ng Luzon, at inimumungkahi na ito ang punong bayan/lungsod ng Kaharian ng Tondo. Ang lungsod ay nakilala rin sa pangalan na binigay ng mga pangkat etnikong mga Tagalog, ang Maynila, unang nakilala bilang Maynilad. Ang pangalan ay mula sa salitang nila, isang uri ng halamang mabulaklak na tumutubo sa baybayin ng look, na ginagamit para gumawa ng sabon para sa pakikipagkalakalan; nanggaling ito sa salitang may mila, na may unlaping ma- na tumutukoy kung saan ang isang lugar ay mayroong isang malagong bagay (ang nila ay maaaring Sanskrit na nila "punong indigo").[5] (Ang sinasabing naging pangalan ng halaman ay nilad ay kathang isip lamang.)[6][7] Ang lungsod ay may humigit sa 100 mga parke na nakakalat sa buong lungsod.Ang Maynila ang naging upuang kolonyal na pamahalaan ng Espanya noong opisyal na pinamahalaan ang kapuluan ng Pilipinas ng tatlong dantaon simula 1565 hanggang 1898. Noong namalagi ang Britanya sa Pilipinas, ang lungsod ay pinamahalaan ngdakilang Britanya ng dalawang taon simula 1762 hanggang 1764 na naging bahagi sa Pitong Taong Digmaan. Ang lungsod ay nanatiling punong lungsod ng Pilipinas sa pamamahala ng pamahalaang probisyonal ng mga Briton, na kumikilos sa pamamagitan ng mga arsobispo ng Maynila at ng Real Audiencia. Nasa Pampanga ang kuta ng mga nagaaklas laban sa mga Briton.Ang Maynila ay nakilala noong may kalakalang Maynila-Acapulco na tumagal ng tatlong dantaon at nakapaghatid ng mga kagamitan simula sa Mehiko papunta ng Timog-silangang Asya. Noong 1899, binili ng nagkakaisang mga estado ng amerika ang Pilipinas sa mga Espanyol at pinamahalaan ang buong kapuluan ng hanggang 1946.[8] Noong ikalawang digmaang pandaigdig, nawasak ang malaking bahagi ng lungsod. Ang lungsod ay ang pangalawang pinakawasak na lungsod na sumusunod saVarsovia, Polonya noong ikalawang digmaang pandaigdig. Ang rehiyon ng kalakhang Maynila ay gumanap na entidad na may kasarinlan noong 1975.Isang pandaigdigang lungsod ang Maynila at kilala bilang "Beta+" ayon sa Globalization and World Cities Study Group and Network noong 2008.

1 1 1