Answers

2015-10-20T09:21:27+08:00
Ang bawat kultura ay may kani-kaniyang tradisyon at paniniwala na maaaring nalalayo o nahahalintulad sa ibang kultura. Ang mga paniniwalang ito ay yumabong at lumawak hanggang sa maging animo'y di mababaling batas na dapat sundin at tinawag na mga pamahiin. Hindi ito basta na lamang sumulpot sa gunita ng tao – isang mahaba at masalimuot na proseso ang pinagdaanan nito upang ang mga ito ay tuluyang maging bahagi ng kultura ng isang komunidad. Masasabi siguro na ang kulturang Tsino ang isa sa may pinakamayaman at mahabang listahan ng pamahiin, dala na rin marahil ng pagiging “pinakamatandang sibilisasyon” sa mundo. Marami sa populasyong Tsino ang nakakalat sa iba't ibang panig ng daigdig. Dala nila sa kanilang pangingibang bansa ang kanilang mga tradisyon na di maiiwasang maging bahagi ng kultura at tradisyon ng lugar na kanilang sinapit. Ngayon ay isa-isahin natin ang ilan sa mga pamahiing Tsino na pinaniniwalaan at sinusunod ng mga Filipino. Sa pag-aasawa at pagpapakasal
0