Answers

2016-03-02T14:15:35+08:00
Ako Po’y Pitong Taong Gulang
Si Amelia, pitong taong gulang, nakatira sa isang isla sa Caribbean. Pinamigay siya ng kanyang tunay pamilya sa mayamang pamilya dahil sa kahirapan. Inaalila at inaabuso siya ng pamilyang pinaglilingkuran niya. Mula sa pag-iigib ng tubig sa balon, pamamalengke, paghahanda ng almusal, baon, tanghalian at hapunan, paghahatid sa anak ng amo, pagwawalis ng bakuran, paglalaba ng mga damit at paghuhugas ng pinagkainan at paglilinis ng kusina hanggang sa paghuhugas ng paa ng kanyang among babae. At kapag pinapagalitan siya ay hinahampas siya ng sinturon at sinasampal.
Ang ipinapakain sa kanya ay tirang pagkain lang at minsan giniling na mais lang. Gunit-gunit ang kanyang suot na damit at wala pa siyang tsinelas. Hindi rin siya pinapayagan na maligo at pinapatulog lang siya sa labas o sahig ng bahay. Higit sa lahat ay hindi siya pinag-aaral at pinagkait ang edukasyan sa isang batang tulad niya.
12 4 12