Answers

2015-10-28T12:52:00+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
         Sinabihan ng inang banga ang kanyang anak na dapat niyang tandaan na siya ay banga na gawa sa lupa at hindi dapat makisalamuha sa hindi kauring banga. Tinandaan niya ito hanggang sa ito'y tumanda at makakita ng iba't ibang uri ng banga. Mga bangang may iba't ibang kulat at mga bangang iba't ibang materyales ang gamit.
         Isang araw, inimbitahan siyang maligo sa lawa ng napakakakisig na porselanang banga. Tumanggi siya noong una pero naisip niya na pantay-pantay ang lahat ng banga kaya pumayag siya kalaunan. Naakit siya sa magagandang disenyo at matitingkad na pintura ng porselanang banga.
         Naisip niya na hindi masamang makisalamuha sa iba at wala silang masamang gagawin. Sabay silang lumundag sa lawa at nakadama ng kaginhawaan. Ngunit nakalikha pala ito ng alon na naging sanhi ng kanilang malakas na banggaan. Nanatiling buo at kompleto ang porselanang banga samantalang ang bangang gawa sa lupa ay nabiyak ng unti-unti. Habang unti-unti siyang nabibiyak ay naisip niya ang sinabi ng kanyang ina.
19 3 19
saan ba nagmula ang parabula ng banga?
hindi ko alam.
Anong aral o mensahe tungkol sa realidad ng buhay ang nais ipahatid ng parabula ng banga?