"Tingnan muli ang sumusunod na sitwasyon. Ilagay ang sarili sa tagpo at
kuwento. Timbangin ang sitwasyon at subuking gumawa ng isang maingat na
paghuhusga. Tandaan na ang maingat na paghuhusga ay may kakayahang unawain
ang pangangailangan ng partikular na sitwasyon para mailapat ang nararapat na kilos
o lunas. Nakiusap ang iyong kaklase na pakopyahin mo siya mamaya sa pagsusulit.
Mababa talaga ang kaniyang mga grado kahit na gustong-gusto niyang magaral.
Paano’y katulong siya ng kaniyang mga magulang sa pagtitinda ng mga
kakanin sa hapon at balut tuwing gabi. Hirap na hirap siya talaga makapag-aral
dahil sa pagod. Pakokopyahin mo ba siya na maaaring ikapahamak ninyong
dalawa kapag nahuli kayo? Hindi rin makatutulong sa kaniya kung papasa
siya sa pagsusulit nang hindi naman niya talaga naiintindihan ang aralin.
Kung pabayaan mo naman siya, maaaring bumagsak siya sa pagsusulit at
ikatanggal pa niya sa paaralan. Paano na ang kaniyang kinabukasan? Siya pa
naman ang inaasahan ng kaniyang mga magulang. Tutulong o pababayaan?"

1

Answers

2015-11-08T17:37:43+08:00
Syempre totolungan ko sya sa tamang paraan
sasabihin ko sa kanya kung ano ang hindi nya maintindihan
at sabihin ko sa kanya na makinig syang mabuti kapag nag eexplain ang aming guro at magsikap sya para sa magandang kinabukasan hindi naman dapat siya ang nagtratrabaho para sa kanyang pamilya kundi ang pamilya nya dapat ang bubuhay sa kanya dahil sa 5 pillars hindi dapat mag anak ng mga magulang ng marami kung hindi naman nila kayang buhayin...
0