Answers

2015-11-10T16:17:55+08:00
Panimula           

            Ang mga katutubong sining (folk art) na maituturing na pamana ng lahi ay maipagmamalaki ng ating bansa. Ito ay tumutukoy sa sining na nilikha ng mga malilikhaing pangkat ng Pilipino na nagtataglay ng kakaibang kagandahan at disenyo na hanggang sa kasalukuyan ay lumalaganap pa rin. Ang ilan sa mga ito ay Bulul ng Ifugao, nililok na kahoy ng Paetenos at Okkir ng Maranao.
Layunin  1.      Naipagmamalaki ang mga katutubong sining (folk art) 
  2.      Natutukoy at natatalakay ang mga katutubong sining na patuloy na pinagyayaman sa ating bansa.
  3.      Naipakikita ang pagpapahalaga sa mga katutubong sining sa pamamagitan ng paglikha ng mga gawaing pansining at pagpapaunlad
           ng mga disenyo nito.
Paksa 1: ANITO NG IFUGAO
Ang Mountain Province ay kabilang sa Cordillera Administrative Region (CAR) ng Luzon. Sa lalawigan ito, pangunahing atraksyon sa mga turista ang Hagdang Hagdang Palayan ng Banaue. Ifugao ang kinilalang lumikha ng hagdan hagdang Palayan gamit lamang ang kanilang kamay. Noong 1995, Ipinahayag ng UNESCO ang lugar na ito bilang Pamanag Lugar sa Mundo (World Heritage Site) at natanyag din bilang 8th Wonders of the World.
BULUL (Bul-ul)Isang natatanging sining ng mga  Ifugao ay ang paglikha ng iskultura. Pinakapopular rito ang “Bulul” bilang tradisyunal na iskultura ng lalawigan at sa Pilipinas lamang makikita. Ang Bulul (Rice god) ay nililok na anyong tao tao na may kaugnayan sa kanilang anito o dios – diosan.  Ayon sa mga Ifugao, ang bulul ay inaasahan na magbabantay ng kanilang kamalig, bigasan, taniman at ari-arian habang sila ay tulog o wala sa tahanan. Ito rin ay nagbibigay ng masaganang ani at kanilang proteksyon sa anumang uri ng sakit o karamdaman.
Bulul - Pigurang anito ng mga IfugaoAng mga sumusunod ay katangian ng Bulul:
 
1.    Yari sa kahoy na Narra na siyang sumasagisag sa kayamanan, kaligayahan at sangkatauhan
2.    Simpleng paglalarawan ng tao na nakaposisyon ng nakatayo o nakaupo. Ito ay may taas mula 30 hanggang 60 sentimetro.
3.    Nililikha ang Bulul na kadalasan ay pares o magkasamang lalaki at babae. 



Paksa 2:    MANLILILOK NG PAETEAng Paete ay isang maliit na bayan sa lalawigan ng Laguna na matatagpuan sa hilagang silangang bahagi nito malapit sa Laguna de Bay.Unang tinawag na Pueblo De San Lorenzo ang lalawigan mula sa pangalan ng kanilang patron na si San Lorenzo na ibingay ng mga misyonerong pari Di nagtagal pinalitan ito ng salitang “Paete”na hango naman sa salitang “Paet’ (Chisel) na isang pangunahing kagamitan sa pag-ukit o wood carving.

"Wood Carving Capital"Ang bayan ay lalong naging tanyag hindi lamang sa bansa kundi pati sa buong mundo dahil sa dami ng mga tao naging dalubhasa sa larangan ng Paglililok ng kahoy (wood carving)
Itinuring na “Carving Capital of the Philippines” ang Paete, Laguna noong Marso 15, 2005 sa bisa ng Presidential Proclamation No. 809 na pinirmahan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

POON AT IMAHENHindi lamang isang tourist destination ang Paete kundi isa ring Pilgrimage place. Ang bayan ay nakilala sa paglikha ng mga “poon” at iba’t ibang imahe ng mga santo na masinop na nililok at pinalamutian.

TAKAIsa pang kilalang  sining na gawa sa Paete ang laruang “Taka” o paper mache sa hubog ng  tao at mga hayop ( karaniwang manok, kabayo at kalabaw.) Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagdidikit ng papel, paghuhulma at pagpapatuyo sa init ng araw. Ang hinulmang papel ay  pipintahan upang maging  makulay na laruan.
Tnyag din ang Paete sa mga paglililok  ng kahoy sa mga lamesa at upuan, cabinet, pandispley at iba pang mga kasangkapan at kagamitan sa bahay.






Panoorin ang maikling kaalaman tungkol sa Sining ng Paete, Laguna
Paksa 3: DISENYONG MARANAOMaranaoIsa pang natatanging tribong etniko sa Pilipinas na nagpapamalas na pambihirang kahusayan sa sining ay ang mga Maranao. Matatgpuan sila lalawigan ng Lanao sa Mindanao.


OkkirAng mga Maranao ay naging tanyag dahil sa kanilang kakaibang disenyo na tinatawag na “Okkir”. Ito ay tumutukoy sa geometriko at paikot-ikot na halamang baging na disenyo na ginagamit bilang motif sa sining at kagamitan ng Maranao at iba pang muslim sa Mindanao. Makikita ang okkir sa mga sumusunod na sining : 


SarimanokPangunahing sagisag ng kultura ng Maranao. Sinasabing ang ibong may isda sa bibig ay naglalarawan ng maunlad nabuhay at kultura ng Maranao sa tabi ng Lawa ng Lanao.  Ito ay nagtataglay ng makulay na pakpak, mabalahibong buntot at mapalamuting ulo na pinaniniwalaan din na nagdadala ng swerte.


Torogan at PanulongMakikita pa ang istilong Okkir sa Torogan o tahanan ng mga Maranao na may matataas na katayuan sa lipunan. Sinasagisag nito ang katanyagan at karangyaan. Pinakamahalagang bahagi ng tahanang  ito ang  Panolong o inukit na “beam” na nakausli sa harapan ng bahay. 

MalongAng Malong ay nagtataglay ng disenyong ‘Okkir”

Ang Disenyong Okkir ay nakaukit  din ito sa  mga hawakan ng kutsilyo at espada at iba pang mga bagay na yari sa pilak at tanso. Halos lahat ng kasangkapan at gamit ng mga Maranao ay nagtataglay ng Disenyong Okkir.



0