Answers

  • Brainly User
2015-11-17T11:46:24+08:00
1)  Denotasyon - literal na kahulugan ng salita.  Ang kahulugan ay karaniwang nakikita sa diksyonaryo.

2)  Konotasyon - ang malalim na kahulugan ng salita.  Ito ang pansariling kahulugan sa salita ng isang tao o grupo ng mga tao na naaayon din sa panahon o henerasyon.  Iba ang pagkakahulugan ng konotasyon sa karniwang kahulugan ng salita na nakikita sa diksyonaryo.

Halimbawa:

1)  buwaya
     Denotasyon - hayop
     Konotasyon - politiko sa kongreso/congressman

2) kutsarang pilak
    Denotasyon - kutsarang yari sa pilak (silver)
    Konotasyon - mayaman

3)  balat-sibuyas
     Denotasyon:  balat ng sibuyas
     Konotasyon - sensitibo; madaling magtampo o masaktan ang damdamin

0