Answers

2015-11-17T22:36:39+08:00
Akoy ma’y kasama sa pahingi ng awa;
ako’y di umiyak, siya ay lumuha. 
sagot: Kandila

Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo.
sagot: Aso

Heto na si Ingkong, bubulong-bulong.
sagot: Bubuyog

Tumatanda na ang nuno, hindi parin naliligo.
sagot: Pusa

Bastong hindi mahawak-hawakan, sinturong walang magamit-gamitan.
sagot: Ahas

Bagama't maliit, marunong ng umawit.
sagot: Kuliglig

Hakot dito hakot doon, kahit maliit ay ipon ng ipon.
sagot: Langgam

Dumaan ang hari, nagkagatan ang pari.
sagot: Zipper
 
Hindi hayop, hindi tao, walang gulong tumatakbo.
sagot: Agos ng tubig

Dahong pinagbungahan, bungang pinagdahunan.
sagot: Pinya



0