Answers

2015-11-22T18:54:05+08:00
Pangmukhang pahina- makikita rito ang pangalan ng pahayagan at ang mga pangunahin o mahahalagang balita.

Balitang pandaigdig- mababasa sa pahinang ito ang mga balitang nagaganap sa ibat ibang bahagi ng mundo.

Balitang panlalawigan- mababasa rito ang mga balita mula sa mga lalawigan sa ating bansa.

Pangulong tudling- sa pahinan ito mababasa ang kuru-kuro o puna na isinulat ng patnugot hinggil sa isang napapanahong paksa o isyu.

Balitang komersyo- dito mababasa ang mga balita tungkol sa kalakalan, industriya at komersyo.

Anunsyo klasipikado- makikita rito ang mga anunsyo para sa ibat ibang uri ng hanapbuhay, bahay, lupa, sasakyan at iba pang kagamitang ipinagbibili.

Obitwaryo- ang pahinang ito ay anunsyo para sa mga taong namatay na. Nakasaad dito kung san nakaburol at kung kailan ililibing ang namatay.

Libangan- ito ang pahina sa mga balita tungkol sa artista, pelikula, telebisyon at iba pang sining. Naririto rin ang krosword, komiks at horoscope.

Lifestyle- mababasa sa pahinang ito ang mga artikulong may kinalaman sa pamumuhay, tahanan, pagkain, paghahalaman at iba pang aspeto ng buhay sa lipunan.

Isports- naglalaman ito ng mga balitang pampalakasan.
0