Answers

2015-11-28T09:35:04+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Mga halimbawa ng literal at metaporikal na may pangungusap.
Literal:
1. bola- bagay na ginagamit sa basketbol
           Mainam na gamitin sa paglalaro ng basketbol ang bola na malakas tumalbog.
2. pawis- lumalabas na tubig sa katawan
           Nagtatrabaho ang kanyang ina sa ilalim ng mainit na sikat ng araw at pawis na    pawis.
3. pilak- isang metalikong elementong kimikal.
           Ang pilak ay kadalasang ginagamit sa paggawa ng mga alahas tulad ng kwentas, singsing,at pulseras.
4. oras- panahon, alas-dose, ala-una, at iba pang nagsasaad ng panahon
           Ang oras ng kanilang pagtatagpo ay mamayang alas dose ng tanghali.
5. damo- isang uri ng halaman na kadalasang makikita sa parang.
         Napakasarap mahiga sa luntiang damo.

metaporikal na kahulugan

6. bola -  pagbibiro
           Tigilan mo nga si Lito., puro ka nalang bola.
7. pawis- pinaghihirapang gawin
           Pawis at dugo ang pinuhunan ko sa pag-aaral mo, alalahanin mo yan.
8. pilak- pera
        Ipinalit niya ang kanyang dangal sa isang supot na pilak lamang.
9. oras-  takdang panahon, katapusan.
           Walang nakakaalam kung anong oras tayo mawawala sa mundo.
10. damo- tao
           Ang pumatay sa kanya ay isang masamang damo.
40 3 40