Answers

2015-11-24T18:33:37+08:00
1. Tulang Panudyo-akdang patula na kadalasan ang layunin ay manlibak,manukso o mang-uyam,ito ay kalimitang may himig na pabiro kaya ito rin ay kilala sa tawag na pagbibirong patula.

2. Tugmang de Gulong-ang mga paalala na kalimitang nakikita sa mga pampublikong sasakyan, sa pamamagitan nto ay malayang maipararating ang mensaheng may kinalaman sa paglalakbay ng mga pasahero. Maaari ito ay nasa anyong salawikain,kasabihan o maikling tula.

3. Bugtong-isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Binibigkas ito ng patula at kalimitang maigsi lamang.

4. Palaisipan- ito ay nasa anyong tuluyan,layunin nito ang pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga taong nagkakatipon-tipon sa isang lugar.
2 4 2