Answers

2015-11-29T14:26:26+08:00
Isinilang si Andres Bonifacio sa Tondo, Maynila noong Nobyembre 30, 1863. Ang mga magulang ni Bonifacio ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Noong labing walong taong gulang, Si Bonifacio ay nakilala at nagpakasal kay Gregoria de Jesus ng Kalookan (kilala din bilang Lakambini ng Katipunan) sa simbhan ng Binondo, isang taon matapos maitatag ang katipunan.Si Bonifacio ay kilala rin sa tawag na Dakilang Karaniwang Mamamayan dahil sa pinakitang kagitingan at pag lilingkod sa bayan. May pag-asa ang kanyang taguri bilang kasapi ng Katipunan.Edukasyon ni Andres BonifacioNakapag aral sa paaralan ni Guillermo Osmena sa Cebu subalit sa kahirapan nakatapos lamang ng pang unang grado sa mababang paaralan.Propesyon at Buhay ni Andres BonifacioNang labing apat na taong gulang ay naulila at napilitang maghanapbuhay para sa kanyang kapatid.Binalikat ang pagsuporta sa pamilya sa pamamagitan ng pagbebenta ng pamaypay na yari sa papel de hapon at mga bastong yari sa ratan.Naging malawak din ang isipan dahil sa pagbabasa ng mga aklat katulad ng Bibliya, Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Rizal, Les Miserables ni Hugo at libro tungkol sa buhay ng mga pangulo sa Estados Unidos at mga libro tungkol sa batas pangdaigdig.Naging eskribyente-mensahero siya ng Flemming and Co., isang kumpanyang Ingles at dito natuto siya ng wikang Ingles. Naging ahente sa Fresell and Co., isang kumpanyang Aleman at ng maglaon bilang isang bodegero sa Tondo. Naging isang aktor din sya sa moro-moro.Itinatag ang Katipunan (Kataastaasan, Kagalang galang, Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK) isang lihim na pagtitipon sa isang bahay sa Azcarraga, Maynila noong ika 7 ng Hulyo 1892 at 1895. Noong ika 23 ng Agosto, taong 1896 pinulong ng mga kapwa katipunero sa Pugadlawin at doon sabay sabay nilang pinunit ang cedula (katibayan ng pagkamamamayan) at sumigaw ng: “Mabuhay ang Pilipinas” na naging hudyat ng pasimula ng Rebolusyong Pilipino laban sa Espana.Noong ika 22 ng Marso 1897, sa kapulungan ng Tejeros na ginanap sa San Francisco de Malabon, natalo si Bonifacio kay Gen. Aguinaldo bilang pinuno ng katipunan at binuo ang kapulungan ng isang bagong pamahalaang rebolusyonaryo na hahalili sa Katipunan.Sumalakay ang mga tauhan ni Gen. Aguinaldo sa Limbon, Indang Cavite kung saan napatay ang isa sa kanyang mga kapatid na si Ciriaco at sila kasama ni Procopio ay nahuling sugatan at dinalang bihag sa Marogondon. Nilitis sa harap ng hukumang militar at noong ika-7 ng Mayo, hinatulan ng kamatayan at iniutos na ipatapon sa malayong lugar. Binaril at napatay kasama ng kapatid na si Procopio ng isang platun ng tauhan ni Gen. Aguinaldo sa ilalim ng pamumuno ni Koronel Lazaro Macapagal noong ika-10 ng Mayo 1897 sa Bundok Tala, sa Maragondon, Cavite.
0