Answers

2015-12-07T09:25:46+08:00
              Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama.  Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi.  Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa’y inuuwi ng ama – malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay.  Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng ama, lamang ay napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo sa tira ang mga bata na kangina pa aali-aligid sa mesa.  Kundi sa pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniya-kaniyang parte ang lahat – kahit ito’y sansubo lang ng masarap na pagkain , sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.             Anim lahat ang mga bata.  Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, dose anyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina, upang tiyaking may parte rin ang maliliit.  May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.              Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito – sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang supot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin.  Kahit na ang ina nila’y masayang nakiupo sa kanila’t kumain ng kaunti.
0
 Nagpumilit na sumama ang kambal at ang apat ay sumunod nang malayu-layo sa ama.  Sa karaniwang pagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang bumalik sa baha, pero ngayo’y nasa isang bagay lamang ang isip nito at hindi man lang sila napuna. 
Dumating ito sa libingan sa tabing-gulod.  Kahuhukay pa lamang ng puntod na kaniyang hinintuan.  Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahang inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita, “Pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito.  Sana’y tanggapin mo.
  Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa pinagkukublihang mga halaman ang mga bata.  Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama.  Naiwan sa katawan ang basang kamisadentro.  Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman.  Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalu-salo sila tulad sa isang piging na alam nilang di n
ila mararanasang muli.
kaduktong po yan sunod sunod po yan 
2015-12-07T10:15:31+08:00
 Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama.  Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi.  Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa’y inuuwi ng ama – malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay.  Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng ama, lamang ay napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo sa tira ang mga bata na kangina pa aali-aligid sa mesa.  Kundi sa pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniya-kaniyang parte ang lahat – kahit ito’y sansubo lang ng masarap na pagkain , sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.       

0