Answers

2015-12-09T07:03:23+08:00
Si mohandas karamchad gandhi, itinuturing na ''Ama ng Bansang India'', ang isa sa mga naging pangunahing instrumento upang makamtan ng india ang kalayaan mula sa mga ingles.Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pilosopiyang satyagraha (satyam-katotohanan; agraha-tangan,hawak,kapit) o ang mapayapang pag-aaklas at hindi pagsunod. 
Isinilang si Gandhi sa Porbandar,Gujarat, India noong 1869.Ang kanilang pamilya ay nagmula sa mga mangangalakal

sya ang ama ng nasyonalismo sa india

Si Mohandas Karamchand Gandhi[1] (Gujarati: મોહનદાસ કરમચંદ ગાંધી) (2 Oktubre 1869 – 30 Enero 1948) ay isang pangunahing politikal at espirituwal na pinuno sa Indiya, at ng kilusang pagpapalaya sa Indiya. Siya ang tagapanguna at tagapagpaganap ng Satyagraha — ang pagpipigil sa kalupitan sa pamamagitan ng malawakang sibil na hindi pagsunod na malakas na nakatatag sa ahimsa (ang kabuang kawalan ng karahasan), na nagdulot sa pagiging malaya ng Indiya, at nagbigay-diwa sa mga kilusan para sa mga karapatang sibil at kalayaan sa buong mundo. Kadalasang kilala si Gandhi at ginagalang sa Indiya at sa buong mundo bilang Mahatma Gandhi (mula saSanskrit, Mahatma, Dakilang Nilalang) at bilang Bapu (sa maraming mgawikang Indiyan Indian languages, Ama). Siya ay opisal na pinarangalan sa India bilang ang Ama ng Bansa; ang kanyang kapanakan ay Oktubre 2, ay itinalaga bilang Gandhi Jayanti, isang pambansang araw, at Ang araw ng kawalan ng karahasan sa buong mundo.Si Gandhi ay unang nagtrabaho bilang promotor ng kawalan ng karahasan at pagtutol sa hindi makatarungang batas habang naglilingkod sa bayan bilang isang abogado sa Timog Aprika, habang ang komunidad ng Indiya ay lumalaban para sa kanilang karapatan. Pagkatapos ng kanyang pagbalik papunta s Indiya, siya ay nag-organisa ng mga protesta para s mga mamamayan ukol sa mataas na buwis at diskriminasyon. Pagkatapos maging lider ng "Indian National Congress" noong 1921, nagtatag siya ng mga kampanya para sa pantay-pantay na batas sa Indiya.

1 5 1