Answers

2015-12-09T06:58:15+08:00
Teorya ng Wika - Pinagmulan ng wika>Teoryang Ding Dong - bagay. Ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaliran ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay. Mga tunog ang nagpapakahulugan sa mga bagay tulad ng kampana, relo, tren, at iba pa.>Teoryang Bow Wow - kalikasan. Dito ang tunog ng nalikha ng kalikasan, anuman ang pinagmulan ay ginagad ng tao. Halimbawa, ang tunog-kulog, ihip ng hanging, at iba pa.>Teoryang Pooh Pooh - tao. Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng kahulugan. Dito ang tunog mula sa mga tao.>Teoryang Yo-he-ho - pinaniniwalaan ng mga nagmungkahi ng teoryang ito na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersa pisikal.>Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay. ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na kalauna'y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba't ibang kahulugan.>Teoryang Ta-ta - ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkauto ng taong lumikha ng tunog at kalauna'y nagsalita.

---->>> ang mga halimbawa sa teoryang bow-wow noun ginagaya ng mga Tao ang tunog ng hayop tulad nalng ng tahol ng aso   
0