Answers

2015-12-12T09:36:56+08:00

Mga kababayan ko
Pakinggan ninyo ang sinasabi ko
Ang paaralan ay para sa publiko
Upang lahat ay matututo

Kaya't ang pagkakataon ay huwag sayangin
Huwag hayaang ang pag-asa'y tangayin
Na makapag-aral at edukasyo'y mahalin
Upang maiwasan ang pagiging alipin

Ang edukasyon ay hindi madali
Ang iyong pasensiya ay piling mas lumaki
Nang sa gayon hindi ka magsisisi
Na edukasyon ang siyang pinili

Ito lamang ang sagot sa kahirapan
Ng kamangmangan at katiwalian 
Ng karaniwan sa ating kababayan 
Na inaakala mo, ika'y tutulungan.


1 5 1