Answers

2015-12-14T18:17:03+08:00
Ang iba't ibang mga pangkat-etniko sa Pilipinas ay kinikilala ang kanilang sarili sa isa o higit pa na mga salik katulad ng lipi, wika atrelihiyon o sa isang magkatulad na kasaysayan. Binubuo ng malaking mayorya ng populasyon ng pangkat na naninirahan sa kapatagan na Austranesyano, at naging Kristiyano mula sa pagiging Animismo, Hinduismo, Budismo o Islam sa loob ng tatlongdaang taon ng kastila at iba pang mga pankatang etniko ang mga negrito ay nakatira sa luzon,visayas at mindanao atang mga tinguian ay nakatira sa abra pati na ang ifugao at mamangyan at tagbanua, ang pinakamarami sa mga pangkat na ito ay mga Ilokano, mga Pangasinense, mga Tagalog, mga Kapampangan, mga Bikolano, atmga Bisaya. Sinasabi minsan na bahagi ang mga pangkat na ito sa lahing Austranesyano at/o lahing Malay; bagaman, kadalasang tinuturing ng marami na walang batayang pang-agham ang guhit-balangkas na nakabatay sa lahi, lalo na dahil sa tinuturing naPilipino ang mga Negrito sa Pilipinas.
1 5 1