Answers

2016-03-02T14:32:14+08:00
Florante at Laura

Nakatali si Florante sa isang madilim na gubat sa labas ng bayan ng Albanya habang iniisip niya ang pagtataksil ng kanyang mahal na si Laura, ang kanyang nasawing ama at ang nakakalungkot na kalagayan ng kanyang bayang minamahal. Narinig siya ni Aladin, isang moro, at dali-daling pinuntahan at sinagip mula sa mga leon. Inalagaan niya si Florante hanggang bumalik ang kanyang lakas at ikinuwento ang buhay. 


Siya ay anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Pinadala siya ng kanyang ama sa
Atena upang mag-aral sa ilalim ng gurong si Antenor. Natagpuan niya doon ang kanyang kababayang si Adolfo na kanya ring lihim na kaaway. Iniligtas siya ni Menandro mula kay Adolfo nang minsang magtanghal sila ng dula sa kanilang paaralan. Pagkatapos ay nakatangap si Florante ng liham tungkol sa pagkamatay ng kanyang ina.

Pagkabalik niya sa Albanya kasama ang matalik niyang kaibigang si Menandro, pinatay niya si Heneral Osmalik na umatake sa Krotona. Nagtagumpay siya sa labimpitong kahariang matapos niyang iligtas si Laura sa hukbo ni Aladin na umagaw sa Albanya nang siya’y nakikipaglaban sa ibang bayan. Nagwakas ang kanyang pagsasalaysay sa pandarayang ginawa sa kanya ni Adolfo matapos kunin ang trono ng Albanya at agawin sa kanya si Laura.

Ipinakilala naman ni Aladin ang sarili at inihambing niya ito sa masalimuot na kapalaran 
ni Florante. Inagaw sa kanya ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab ang kanyang kasintahang si Flerida.

Pagkatapos nilang isinalaysay sa isa’t-isa ang kanilang buhay ay may narinig silang dalawang boses na nag-uusap at sila ay sina Laura at Flerida.  Si Flerida’y tumakas sa Persya upang hanapin si Aladin at natagpuan niya sa gubat si Laura na gustong gahasain ni Adolfo. Pinana niya ito at niligtas si Laura. At Ikinwento ni Laura ang pagpapanggap ni Adolfo sa pirma ng kanyang ama upang madakip si Florante. 


Isinalaysay niya ang pamimilit ni Adolfo sa kanya. At doon ay nalaman nina Florante at Aladin ang katotohanan na tunay na tapat ang kanilang kasintahan. Sina Florante at Laura ay maligayang naghari sa Albanya at sina Aladin at Flerida, pagkatapos ng pagkamatay ni Sultan Ali-Adab, ay naghari sa Persya.


1 5 1