Answers

2015-12-29T22:55:24+08:00
May haring nagkasakit. Mayroon syang tatlong anak na prinsipe. Napag-alaman nila na ang tanging makakagamot lamang sa sakit ng hari ay ang awit ng Ibong Adarna. Pinadala ng hari ang pinakamatanda na anak para dalhin sa kanya ang nasabing ibon. Tumulak na ang panganay ngunit ilang buwan na ang lumipas ay hindi pa ito bumabalik. Napagdesisyunan ng hari na ipadala na rin ang ikalawang anak upang hulihin ang ibong adarna at tulad ng panganay ay hindi na ito nakabalik. Lumalala ang sakit ng hari kaya't mabigat man sa loob ay pinayagan niya ang panganay na anak na syang maglakbay para sa paghahanap sa ibong adarna. Sa byahe, may nakita ang prinsip na matanda at naawa siya kaya't binigay nya rito ang natatanging tinapay na baon niya. Dahil sa kabaitan, tinulungan sya ng matanda. Binigyan sya nito ng babala at mga kagamitan para sa paghuli sa ibong adarna. Napag-alaman niyang nakakaantok kapag naririnig ang awit ng ibon at kapag nahulugan ng dumi nito ay magiging bato ka. Binigyan siya ng mahiwagang tubig ng matanda upang maibalik sa pagkatao ang ga nagiging bato. Tumulak na siya paalis. Nakita niya na ang ibong adarna. Nang magsimula itong umawit ay nakaramdan ng antok ang prinsipe ngunit sinugatan niya ang kanyang braso para hindi makatulog. Hinintay niyang makatulog ang ibon at itoy hinuli. Binuhusan niya rin ng mahiwagang tubig ang kanyang mga nakakatandang kapatid na naging bato at sa isang iglap ay naging tao ulit ito. Habang naglalakbay pauwi ang tatlong prinsipe dala ang ibon, namuo ang inggit sa dalawang nakakatandang prinsipe para sa panganay kaya't binugbog nila ang panganay na prinsipe at ninakaw ang ibon nito. Nang nakabalik sa kaharian, sinabi nila na sila ang nakahuli sa ibon at sinabing wala na ang panganay. Pinilit nilang paawitin ang ibong Adarna para gumaling na ang hari ngunit tahimik lamang ito. Habang ang panganay naman ay nakaligtas at nagmadaling pumunta sa kaharian. Gulat ang lahat kasi buhay pa ang pinakabatang prinsipe. Sya rin ang nagpaawit sa ibong Adarna at gumaling na ang hari. Pinarusahan naman ang dalawang prinsipe.
0