Answers

2016-01-07T20:53:29+08:00
Pagkasira ng mga gusali at ng ating kalikasan, pagkawala ng trabaho at buhay ng iilan, paglubog ng lupang tinatayuan, pagluksa at pagkaawa na nadarama ng nakararami. Ngunit sa kabila nito, tayo'y dapat huwag mawalan ng pag-asa na mayroon pa tayong buhay na dapat pahalagahan at ipagpatuloy, sarili na kailangang iahon, pamilyang dapat unang ibangon, mga kaibigang handang tumulong, kababayang nais makiramay, at siyempre ang Diyos na kahit kailanman ay hindi ka susukuan. Diyos nga ng may kagagawan ng iyong pagbagsak ngunit ito'y panandalian lamang at ika'y sinusubukan sa iyong katatagan. Pagmamahal at positibong pananaw ay dapat manaig at hindi ang kahit na ano pa man.
0