Answers

2016-01-12T13:02:54+08:00
Isang paruparo na may katandaan,Sa lakad sa mundo ay sanay na sanay;Palibhasa’y di nasisilaw sa ilawBinigyan ang anak ng ganitong aral:
Ang ilaw na iyang maganda sa mataNa may liwanag nang kahali-halinaDapat mong layuan, iyo’y palamara,Pinapatay bawat malapit sa kaniya.
“Ako na rin itong sa pagiging sabik!Pinangahasan kong sa kaniya’y lumapit,ang aking napala’y palad ko pang tikisnasunog ang aking pakpak na lumiit.”
“At kung ako’y itong nahambing sa ibana di nagkaisip na layuan siya,disin ako ngayo’y katulad na nila,nawalan ng buhay at isang patay na.”
Ang pinangaralang anak ay natakotat pinangako ang kaniyang pagsunod;ngunit sandali lang. Sa sariling loobibinulong-bulong ang ganitong kutob;
“Bakit gayon na lang kahigpit ang bilinng ina ko upang lumayo sa ningning?Diwa’y ibig niyang ikait sa akinang sa buong mundo’y ilaw na pang-aliw.”
“Anong pagkaganda ng kaliwanagan!isang bagay na hindi dapat layuan,itong matanda ay totoo nga namangsukdulan ng lahat nitong karuwagan!”
“Akala’y isa nang elepanteng ganidang alin mang langaw na lubhang maliit,at kung ang paningin nila ang manaigmagiging higante ang unanong paslit.”
“Kung ako’y lumapit na nananaganoay ano ang sama ng mapapala ko?Kahit na nga niya murahin pa akoay sa hindi naman hangal na totoo.”
“Iyang mga iba’y bibigyan ng matwidsa kanilang gawa ang aking paglapit,sa pananakali’y di magsisigasigsa nagniningningang ilaw na marikit.”
Nang unang sandaliy’ walang naramdamankundi munting init na wari’y pambuhay,ito’y siyang nagpapabuyo pang tunayupang magtiwala’t lumapit sa ilaw.
Natutuwa pa nga’t habang naglalaroay lapit nang lapit na di nahihintosa isang pag-iwas ay biglang nasulotuloy-tuloy siyang sa ningas nalikmo.
Nang unang sandali’y walang naramdamankundi munting init na wari’y pambuhay,ito’y siya pa ngang nagpabuyong tunayupang magtiwala’t lumapit sa ilaw.
At siya’y hindi na muling makalipadhanggang sa mamatay ang kahabag-habag,ang ganyang parusa’y siyang nararapatsa hindi marunong sumunod na anak.
1 1 1