Answers

2016-01-12T23:51:41+08:00
Ang sabi nila, ang mga plastic ay mga polymers (large molecules) na gawa sa mahabang kadena ng mga maliliit na molekula na kung tawagin ay monomers.Ang plastic ay nagagawa sa pamamagitan ng polymerization, na kung saan milyun-milyong monomers ay pinagsasama-sama para maging isang porma ng kadena ng polymer (polimer chain).Halos karamihan sa plastic na ginagamit natin sa ngayon ay nanggaling sa petrochemicals, bagaman ang mga plastic na galling sa mga halaman (galling sa corn starch) ay pwede ring magawa.
0
2016-01-14T15:53:04+08:00
Ang plastik ay isang materyal na binubuo ng iba’t ibang mga sintetiko o semi-sintetikong mga organiko na malalambot at maaaring kortehin sa iba’t ibang mga hugis. Ang mga plastik ay tipikal na mga organikong polimer na mabibigat o may mataas na "molecular mass", ngunit may kasamang ibang mga elemento o molekyul. Ang mga plastik ay madalas na sintetiko, o gawa ng tao, mula sa mga petrokemikal, ngunit marami ay may mga parteng natural. 
0