Answers

2016-01-16T15:13:47+08:00
Ayaw ko sanang mabuhay pa pero naisip kong may misyon pa ako sa mundo. Ibinigay sa akin ng Panginoon ang buhay para matupad ko iyon. Ngayon nais kong baguhin ang buhay ko buhat sa madilim kong kahapon. No'oy naging alagad ako ng kasamaan. Sinusuway ko ang aking mga magulang. Naging marupok ako sa aking mga kaibigan. Ang pagmamahal na ibinibigay nila sa akin ay ssinayang ko lang. Kaya sa oras ng paniningil nawala na sila. Ang mga magulang ko at kaibigan ay bigla nalang naglaho. Nalulong ako sa masamang bisyo. Nakulong ng limang taon dahil sa paggamit ng pinagbabawal na gamot. Naging marumi akong tao, ibinibenta ko ang katawan ko para magkapera. Nakapatay narin ako ng isang tao, ang aking anak sa sinapupunan. Limang beses na akong nagpalaglag ng bata sa aking sinapupunan. Limang beses akong naging kriminal sa mata ng Diyos at batas. Ang aking mga kasalanan ay walang kapatawaran. Hindi ko na alam kung ano ang tama o mali basta ang alam ko kailangan kong mabuhay. Hanggang isang araw napadpad ako sa isang simbahan. Napatingin ako sa rebulto ng Panginoon. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng awa sa sarili. Unti-unting may sumilay na liwanag sa akin. Naging daan ko iyon para mag bagong buhay. Bumalik ako sa aking pamilya na buong puso nila akong tinanggap.
0