Answers

2016-01-15T10:48:25+08:00
ELeksyon 2016 (syetepie)

Malapit na naman ang eleksyon. Pitong buwan na lamang ang bibilangin at eto na naman tayo sa mala-tsubibong panahon ng pangangako sa mga tao. Dito masusubukan kung sinong pulitiko ang may pinakamabulaklak na dila. At sigurado, kung sino ang pinakamagaling mambola, siya ang panalo. Ika nga sa larong pambata “maiba, taya!”.Ang galing, di ba?Wala ba kayong napapansin? Taong 2009 nang ginulo ni Ondoy at Santi ang bansa natin. Maraming probinsya sa Luzonang naapektuhan ng kalamidad na ito. Ang trahedya ding ito ang naging sukatan ng mga botante para makapili ng kanilang alaga para sa darating na pambansang eleksyon noong taong 2010.Gayundin naman, sinamantala ito ng mga ambisyosong pulitiko, patuloy ang kanilang paglapit sa mga tao para magkunwari at magbigay ng pangakong magpapaasa. Kalakip ng pagbibigay ng kanilang mga pangako ang dalawang lata ng sardinas at dalawang kilong bigas (na nakalagay sa plastic na may mukha at pangalan ng kandidato?)Siyempre, ang kawawang mamamayan ay maniniwala sapagkat sa tingin nila ay sapat na ang mabusog ang kanilang tiyan. Ngunit hindi doon nagtatapos ang kuwento, kapag ang pulitikong ito ay naupo na sa puwesto, mangyayari na ang tinatawag nyang “resbak”.Dito mangyayari ang paniningil sa mga ginastos niya sa pinambili niya ng dalawang lata ng sardinas at dalawang kilong bigas. At sigurado, tatlong doble ang sisingilin nitong tubo. Kakaiba, hindi ba? At sino na naman ang kawawa pagdating sa huli?  – Ang taong bayan. Ang kawawang si Juan.May nakapagsabi na rin na ang bawat taon sa kada-tatlong taong termino ng bawat pulitiko ay may skedyul kung paano nito mapapaikot ang taong bayan.Sabi nila, ang unang taon daw ay ang pag-aaral ng mga gawaing gobryerno. Kabilang dito ang paunti-unting paniningil ng mga nagastos ng nakaraang eleksyon.Sa ikalawang taon naman nangyayari ang equilibrium of governance. Dahil dito ginaganap ang 50/50 na paglilingkod at pag-iipon.  Singkwenta porsyento ng pondo ay mapupunta para sa pangangailangan ng mga tao kagaya ng pagpapatayo ng mga gusali, paaralan, pagpapasemento ng daan at iba pa. Samantalang ang natitirang singkwenta porsyento ay ilalaan upang mabayaran ang kabuuang nagastos noong nakaraang eleksyon at ang matitira ay ilalaan naman bilang pondo ng isang pulitiko sa darating na eleksyon.At ang ikatlo at huling taon ng pamumuno ay nakatuon sa pagpapabango ng isang pulitiko upang muli siyang makilala at nang siya ay magkaroon muli ng tsansa na kumita. Bibihira na talaga ang mga namumuno na may matuwid na hangarin.. Mistulang magneto sa paningin ng mga ambisyosong pulitiko ang pera at ang kaban ng yaman ng mamamayan. Ganito ang pulitika sa Pilipinas.Kung tutuusin, kayang-kaya ng bansa natin ang pumantay at lumebel sa ibang naglalakihang bansa dito sa mundo. Pero dahil sa makasariling hangarin ng mga namumuno, nawawala ang ambisyon ng pagpapaunlad at unti-unting nalulupog at napipilay ang bayan ni Juan.Sa panahong kasalukuyan, muling naulit ang trahedya noong 2009, dumating si Haring Habagat. At eto ulit kami, nalubog na naman sa baha. Nasaan na kaya yung mga pulitikong mahilig mangako?Malapit na ang 2013 eleksyon.Hmmmm…… isang obserbasyon pa rin ito, kami ang naapektuhan ng baha, pero dahil kakaunti ang botante sa aming lugar, maliit ang pansin na ibinibigay sa amin ng mga pulitiko. Isang beses lang yata kami nakatanggap ng tulong na relief goods. Mabuti pa ang mga organisasyon na kaugnay ng simbahan, patuloy ang pagbibigay ng tulong. Walang pinipiling lebel ng mamamayan basta ikaw ay apektado.Samantalang ang mga pulitiko, naroon at patuloy na nakikipagsiksikan sa mataong lugar na hindi man lang naapektuhan ng kalamidad. At dahil nga naroroon ang karamihan ng mga botante, ang tulong na nararapat para sa mga naapektuhan ng trahedya ay doon na rin dinadala.Tsk tsk tsk…Ano pa nga ba ang dapat naming gawin? Wala naman kaming choice. Kaya kung minsan, nakatatamad na ang bumoto. Mas gusto ko pa ang mag-abstain na lamang. Kaya lang, kung ganito palagi ang aking desisyon, lalo lamang lulubog ang bayan ni Juan. Pero kung iyong iaanalisa, tingnan maigi ang listahan ng mga kandidato o nominado, karamihan ay trapo o yung tinatawag na traditional politician, ang iba naman ay kilala ng kurakot, at ang natitira naman ay yung mga napilitan lang kumandidato dahil sa udyok ng mgas kapwa pulitiko o sindikato marahil.Sino pang iboboto mo? Ang trapo, ang corrupt, o ang puppet?Halina at ako ay inyong samahan, muli nating abangan at obserbahan kung ano ang inihanda para sa atin ng mga nominado sa darating na eleksyon 2013 habang kami ay narito pa rin at pinipilit tumayo mula sa pagkakalugmok ng aming kabuhayan sa baha.
0