Answers

2016-01-14T22:56:56+08:00
Ang Pederasyong Ruso ang malawakang tinatanggap bilang ang estadong kahalili ng Unyong Sobyet pagdating sa diplomasya. Ang pagkabuo nito ay sanhi ng kulminasyon ng Himagsikang Ruso noong 1917 na nagpatalsik kay Tsar Nicholas II at ng sumunod na digmaang sibil mula 1918 hanggang 1920 na nagpalehitimo sa mga Bolshebik bilang mga bagong tagapamuno[3].Sa teoriya, isang bansang sosyalista ang Unyong Sobyet at ang organisasyong pampolitika nito ay binibigyang kahulugan lamang ng kaisa-isang pinapayagang partidong pampolitika, ang Partidong Komunista ng Unyong Sobyet. Ang pamahalaang Sobyet, na naitatag tatlong dekada bago ng Digmaang Malamig ang nagsilbing pangunahing modelo para sa mga kinabukasang bansang komunista. Nagpaiba-iba ang sakop na territoryo ng Kaisahang Sovyet, ngunit sa pinakahuling kasaysayan nito nagbagay ito higit-kumulang sa panghuling Imperyo ng Rusya, habang kapuna-puna ang di-pagkasama ng Polonya at Pinlandiya[4].Unang itinatag bilang isang Unyon ng mga Republikang Sosyalistang Sobyet, lumawak ang USSR hanggang sa magkaroon ito ng 15 kliyente o "republika ng unyon" noong 1956. Ito ay ang SSR Armenia, [[Sobyet na Sosyalistang Republika ng Aserbayan|SSR Azerbaijan]], [[SSR Byelorusyan]], [[SSR Estonian]], [[SSR Georgian]], [[Sobyet na Sosyalistang Republika ng Kasakistan|SSR Kasakistan]], [[SSR Kyrgyz]], [[SSR Latvia]], [[SSR Lithuania]], [[SSR Moldavia]], [[Sobyet na Pederatibong Sosyalistang Republika ng Rusya|SPSR Rusya]], Tajik SSR, Turkmen SSR, Ukrainian SSR, at Uzbek SSR. (Mula sa pagdagdag ng Estonia SSR noong 6 Agosto 1940 hanggang sa reorganisasyon ng Karelo-Finnish SSR noong 16 Hulyo 1956, naging 16 ang opisyal na bilang ng mga "republikang unyon".) Bahagi ang mga republika ng isang mataas na sentralisadong unyong pederal na pinapangibabawan ng Rusong SSR.
0