Answers

2016-01-16T13:52:47+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Ang panlapi ay mga katagang ikinakabit sa isang salitang-ugat upang makabuo ng panibagong salita. Maaaring ikabit ang kataga sa unahan, gitna, o hulihan. May iba't ibang uri ng panlapi, at yun ay ang mga sumusunod:

1. Unlapi - sa unahan ikinakabit ang kataga. Ang mga katagang ito ay ang: ma-, mag-, nag-, um-, at pag-.
Halimbawa:
Maglakad
Mahusay
Umawit
Nag-laro

2. Gitlapi - sa loob/gitna ng salitang-ugat ikinakabit ang kataga. Ang karaniwang katagang ginagamit ay ang -um-, -in-
Halimbawa:
Pumunta
Binasa

3. Hulapi - sa hulihan ikinakabit ang kataga. Kadalasan, ito ay ang mga katagang, -an, -in, -hin, at -han.
Halimbawa:
Sulatan
Habulin

4. Laguhan -  ikinakabit sa unahan, gitna, at hulihan ng salitang-ugat ang mga kataga.
Halimbawa:
Pagsumikapan

5. Kabilaan - mayroong katagang ikinabit sa unahan at hulihan ng salitang-ugat.
Halimbawa:
Pagbutihin
Paalisin

(Pasensya ka na, wala na akong matandaang example para sa Laguhan, but still, I hope it help.)
0