Answers

2016-01-18T15:36:54+08:00

1. Madali ang maging tao, mahirap magpakatao

2. Magsama-sama at malakas, magwatak-watak at babagsak

3. Kung ano ang puno, siya ang bunga

4. Kung walang tiyaga, walang nilaga

5. Ang taong nagigipit,, sa patalim kumakapit

6. Ang mabigat ay gumagaan, kng pinagtutulungan

7. Bago ka bumati ng sa ibang uling, pahirin mo muna ang iyong uling

8. Pulutin ang mabuti, ang masama ay iwaksi

9. Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sarili

10. Ang pili ng pili, natatapat sa bungi

11. Ang araw bago sumikat, nakikita muna ang banaag

12. Ang gawa ng pagkabata, dala hanggang pagtanda

13. Pag di ukol ay di bubukol

14. Kung sino ang masalita, ay kulang sa gawa

15. Nasa diyos ang awa, nasa tao ang gawa

16. Kapag ang tao ay matipid, maraming naililigpit

17. Ano man ang gagawin, makapitong iisipin

18. Ubos-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga

19. A ng tunay na anyaya, sinasamahan ng hila

20. Ang magalang na sagot, ay nakakapawi ng poot

1 5 1