Answers

  • Brainly User
2016-01-24T10:51:32+08:00
1) Pananalangin - paghingi ng gabay sa araw-araw na maging bukas ang isipan at maunawaan ang mga aralin.

2) Tiwala ng mga magulang at ng mga taong tumutulong sa iyong pag-aaral - kailangan laging isaisip na naririyan sila upang laging sumuporta sa iyo at ang kanilang pagtitiwala ay hindi dapat masira dahil sa pagpapabaya sa iyong pag-aaral.

3)  Kalusugan - anumang kapabayaan sa kalusugan (tulad ng pagpupuyat, kawalan ng ehersisyo, at hindi pagkain ng mga masustansiyang pagkain; pagbabasa ng mga materyal na nakakasira sa iyong matuwid na pag-iisip) ay makakaapekto sa iyong pag-aaral. 

4) Maayos, malinis, at komportableng damit na iyong isusuot sa pagpasok.  Hindi kailangang mahal ang mga ito.  

5) Mga gamit sa eskuwela na kailangan mong sinupin dahil "maaring" hindi sa lahat ng panahon ng iyong pag-aaral ay may pambili ang iyong mga magulang nag mga kagamitang ito (panulat, papel/kwaderno, bond papers, pangkulat, pandikit/elemer's glue, stapler at bala ng staple, bull clips upang hindi magkahiwahiwalay ang mga papel, at double adhesive tape - pramis napakalaking gamit ng double adhesive tape at plastic envelopes).  At kung ikaw naman ay may sobra, maari mong ibahagi ang ilan sa mga kamag-aral mong nangangailangan.  Nakakataas din ng kumpiyansa sa sarili ang ikaw ay makatulong sa kapwa mo mag-aaral.

6)  Mga aklat at iba pang materyals na maaaring ipahiram sa iyo kung ikaw ay nasa pampublikong paaralan, at iyong pag-aari naman (maari ring hiniram) kung ikaw ay nasa pam-pribadong paaralan. Pag-ingatan ang mga ito at siguradong buklatin at basahin sapagkat narito ang iyong mga aralin.  Hindi ito papayagang maging teksto kung hindi naaayon sa kurikulum ng Department of Education.

7)  Kalendaryo at diary (na maariring isang lumang notebook na hindi nagamit o ilang pahina lamang ang nasulatan). Walang dahilan upang hindi maging organisado sa iyong mga aralin.  Malaki ang maitutulong nito upang hindi maging atrasado sa pagpapasa ng proyekto, takdang aralin, at mga performance tasks (PeTa). Laging magbigay ng sariling deadline sa malalaking proyekto- hindi liliit sa apat na araw bago sa ibinigay na dealine ng guro.   Ang tanging dahilan lamang upang hindi makakuha ng magandang grado ay pagiging TAMAD. Ugaling magsulat ng schedule para sa iyong pag-aaral (halimbawa, 30 minutes advanced reading sa English/  AP, 30 to 40 minutes mastery ng problem solving sa Math at Science, two hours sa homework.  HIndi ka dapat lumagpas sa apat na oras na tuloy-tuloy na pag-aaral.

8).  Isang matibay na bag kung saan ilalagay ang iyong mga gamit sa pagpasok.  Laging magdala ng isang ekstrang bag na natutupi (green or ecobag) at plastic para sa mga kagamitan na maaring ipauwi sa iyo mula sa paaralan, o iyong mga binili para sa isang proyekto bago umuwi.  Maniwala ka, kailangan mo talagang magdala nito.

9.) Payong at lalagyan ng inuming tubig (kahit maliit lang), biogesic, diatabs/imodium. neozep, at gamot sa allergy kung meron ka nito, band-aid (maliit na first-aid kit). Kahit hanggang dalawang piraso lamang bawat isa sa bawat araw. HIndi sa lahat ng oras ay available ang nurse/doctor sa clinic.

10)  POSITIVE ATTITUDE - Ano ang goal mo sa araw na ito sa iyong pagpasok?  Magre-react ka ba o magre-respond sa hindi magandang sitwasyon na hindi maiiwasan? Anuman ang iyong maging reaksiyon o responde ay may bunga sa iyong paghahanda sa araw na ito. Handa ka bang magkaroon ng positibong impact sa mga makakasalamuha mo sa araw na ito, lalo na sa iyong mga guro at kamag-aral? Nadala mo ba lahat ng dapat mong dalhin sa iyong report? 

OPTIONAL:  Kung kakayanin ng budget, isang smartphone na puwede ang wi-fi para magamit sa iyong research o laptop (pakiusap, huwag tablet dahil limitado ang mga application na maari mong gawin doon, katulad ng Excel, video editing para sa English at TLE, powerpoint, at higit sa lahat wag Ipad kung talagang gagamitin mo sa pag-aaral.  Mahirap mag-share ng mga materials sa may mga Android OS kung Mac OS ang mayroon ka.)

Sinabi kong optional ito dahil hindi araw-araw ay kailangan mo ng internet sa iyong pag-aaral.  Pero kung ikaw ay nasa Grade 9 na at pataas, isama na ito sa iyong sampung pangangailangang gamit sa pag-aaral.


7 4 7
(nakatulong 'yan sa mga anak ko. Nakadorm pareho - Pisay Main at UPLB.  Sipag at pagpupursigi ang kailangan sa pag-aaral, hindi lamang talino.)