Answers

2016-01-26T21:43:51+08:00
Mahalaga ang papel ng agrikultura at industriya sa ekonomiya ng bansa, parehong nakikinabang din ang bawat sektor sa isa't-isa. Halimbawa ang mga hilaw na materyales na ginagamit o ipinoproseso sa sektor ng industriya ay nanggaling sa sektor ng agrikultura. Samantalang ang mga modernong kagamitan naman na ginagamit sa sektor ng agrikultura ay produkto ng sektor ng industriya. Samakatwid, sadyang mahalaga na mapanatili ang mahigpit na ugnayan ng dalawang sektor upang tiyakin ang pakinabang sa isa't-isa. May mga nagsasabi na walang itulak-kabigin sa parehong sektor. Subalit may ilan naman na naniniwalang kailangang magkaroon ng espesyalisasyon ang isang bansa upang mas maunlad.
1 5 1