Answers

2016-02-08T22:16:32+08:00

This Is a Certified Answer

√ó
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Ang sanhi ng unang digmaang pandaigdig ay ang pagpatay ng Serbian na terorista kay Archduke Franz Ferdinand noong Hunyo 1914 sa Sarajevo, Bosnia.

Si Archduke Franz Ferdinand ay isang prominenteng tao sa Austria-Hungary. Ang pagpatay sa kanya ay pagpapakita ng rebelyon ng mga taga Serbia laban sa pamumuno ng Austria-Hungary sa Bosnia at Herzegovina. Nais kasi ng Serbia na sakupin ang Bosnia at Herzegovina.

Dahil sa ginawang pagpatay, nagdeklara ang Austria-Hungary ng giyera laban sa Serbia. Sumama sa giyera ang mga kakampi nitong mga bansa. Kaya lumaki ang gulo dahil nagkaroon na rin ng dahilan ang ibang mga bansa na magdeklara ng giyera sa mga bansang sangkot sa kaguluhang ito.

0