Answers

2016-02-01T16:38:49+08:00
Noong panahon na hindi pa uso ang mga de-kuryenteng ilaw tulad ng mga bumbilya at fluorescent lights sa mga tahanan, ang mga tao, partikular na ang mga bata, ay gumagamit lamang ng mga gasera (o kandila at lampara) kapag sila’y nag-aaral o kaya nama’y gagawa ng kanilang mga takdang-aralin. At dahil ang mga gasera, kandila at lamparang ito ay nakapagbibigay lamang ng ilaw sa pamamagitan ng kani-kanilang apoy, dapat na lumapit ng lubos sa gasera ang bata upang mas maliwanag ang tanglaw na kanyang mapakinabangan. Dahil dito, nakikini-kinitang tila nagsusunog ng kilay ang isang bata kung siya’y nag-aaral na malapit sa gasera at anyong nakatungo sa apoy ng ilawan. Dito nagkabuhay ang idyoma na tagalog na nagsusunog ng kilay.

1 5 1