Answers

  • Brainly User
2016-02-03T08:23:31+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Sa una pa lamang ay mababa na ang tiwala sa sarili ng mga biktima ng bullying.  Sapagkat kung ang isang tao ay may kumpiyansa sa sarili at napapaligiran ng mga taong matibay ang haligi ng suporta katulad ng mga mapagmahal na pamilya, kamag-anak, at mga kaibigan, kahit na ano pa ang pang-bubully ang gawin ng iba ay hindi ito masyadong makakaapekto sa kanya.

Ang mga tunay na biktima ng bullying at mga taong nangbubully ay parehong may mababang tiwala sa sarili, lalo na ang nangbubully.

Sa panig ng biktima, lalong bumababa ang tiwala niya sa sarili sapagkat mababa na talaga ang kanayang kumpiyansa sa sarili at madalas ay kinikimkim lamang niya ang ang kanyang sitwasyon dahil wala siyang mapagsabihan sa kanyang pamilya.  Nakakababa rin ng tiwala sa kanyang sarili ang pangbubully dahil na rin sa peer pressure at paniniwalang siya ay mas inferior.  Kung ang biktima ay mas iisipin ang sasabihin ng ibang tao kaysa kung ano ang tingin sa kanya ng Diyos na lumikha sa kanya, wala nga talaga siyang tiwala at kumpiyansiya na mas may kakakayahan siyang magbigay ng mabuting impluwensiya sa taong nangbubully sa kanya. 

 
1 5 1