Answers

2016-02-03T16:05:50+08:00
Sa paaralan makukuha ang edukasyon na kailangan nating lahat upang maging maganda ang ating kinabukasan, Ito ay mahalaga para sa ating lahat. Bakit nga ba mahalaga ang edukasyon at ano ang magandang maidudulot nito sa akin??? Ang edukasyon ay mahalaga para sa akin dahil alam ko na ito ang tanging daan para makamit ko ang aking mga pangarap. Ito rin ang
aking magiging sandata upang labanan ang kahirapan tungo sa magandang kinabukasan.Ang edukasyon ang aking magiging kayaman na hindi mananakaw nino man.Hindi na lingid sa ating kaalaman na ang kamayamanan na nagmula sa pera ay maaaring maglaho na parang bula, pero kapag mayroon kang sapat na edukasyon ito ang magsisilbing kayamanan mo na hindi maglalaho hanggang sa iyong pagpanaw. Kaya naman mahalaga ang edukasyon, hindi lang sa akin kundi para sa ating lahat.

1 5 1