Answers

2016-02-06T15:47:30+08:00
Ang katangian ni Kapitan Tiyago ay itinuturing
hulog ng langit. Siya ay pandak, di kaputian at
may bilugang mukha. Siya ay tinatayang nasa
pagitan ng 35 taong gulang. Maitim ang
buhok, at kung hinde lamang nanabako at
ngumanganga, maituturing na sya ay
magandang lalaki.
Siya ang pinakamayaman sa binundok dahil
sa marami siyang negosyo at iba pang klase
ng ari-arian. Tanyag din siya sa Pampanga at
Laguna bilang asendero , hindi kataka-taka na
parang lubong hinihipan sa pagpintog ng
kanyang yaman . Dahil sa siya ay mayaman,
siya ay isang impluwensyadong tao. Siya ay
malakas sa mga taong nasa gobeyerno at
halos kaibigan nya lahat ng mga prayle. Ang
turing niya sa sarili ay isang tunay na kastila
at hindi Pilipino. Kasundo nya ang Diyos dahil
nagagawa niyang bilhin ang kabanalan.
Katunayan, siya ay nagpapamisa at nag
papadasal tungkol sa kanyang sarili.
Ipinalalagay ng balana na siya ay
nakapagtatamo ng kalangitan. Iisipin na
lamang na nasa kanyang silid ang lahat ng
mga santo at santong sinasamba katulad nina
Sta. Lucia, San Pascual Bailon, San Antonio
de Padua, San Francisco de Asis, San
Antonio Abad, San Miguel, Sto. Domingo,
Hesukristo at ang banal na mag-anak.
0