Answers

2016-02-07T19:54:48+08:00
Tinahi ni Dona Marcela De Agoncillo as (Marcela Agoncillo) Lorenza Agoncillo at ni Delfina Herbosa de Natividad sa Hong Kong At unang pinalipiad sa labanan noong  MAy 28. 1898. pormal ito sa panahon ng Proclamation of Philippine Independence., and the flag of the First Philippine Republic sa June 12, 1898 nii Presidente Aguinaldo 
0
2016-02-12T15:57:30+08:00
  Ang araw ng Mayo 28 ay simula ng National Flag Day at inaanyayahan ang lahat na isabit ang bandilang Pilipino mula sa araw na ito hanggang sa anibersaryo ng proklamasyon ng Kasarinlan o Independensya, June 12.  

Akala ng marami, noong June 12, 1898 sa gitnang bintana ng mansyong Aguinaldo unang iwinagayway ang bandila.  Akala rin ng marami, noong May 28, 1898 sa Labanan sa Alapan unang itinaas ang bandilang Pilipino.
  Ang ginugunita ng May 28 bilang National Flag Day ay ito: Sa pagbabalik ni Heneral Emilio Aguinaldo mula sa Hongkong, nagwagi siya sa Labanan sa Alapan sa Imus, Cavite.  Bilang pagdiriwang sa tagumpay na ito, iwinagayway sa unang pagkakataon sa Teatro Caviteño sa Kawit ang bandila o watawat ng Pilipinas na may tatlong kulay, tatlong bituin at araw.     Maraming paglilinaw ang kailangang gawin ukol sa kasaysayan ng bandila na maaaring alam na ng mga iskolar ngunit kinakailangan pang ipabatid sa publiko.   Si Emilio Aguinaldo ang ama ng pambansang bandila
 
Ang gumawa ng disenyo ng bandila ay ang Junta Patriotica sa Hongkong.  Malaki ang impluwensya ni Heneral Aguinaldo sa disenyo kaya maituturing siyang Ama ng ating Pambansang Bandila. Ito ang isa sa pangunahing pamana niya sa bansa kasama na ang himig ng ating Pambansang Awit na siya rin ang nagpagawa. -

0