Answers

2016-02-09T01:47:11+08:00
Mainit na araw noon nang kumain sa Luneta Park ni Ginoong X si Propesor Odessa Joson. Marami silang nabiling pagkain mula sa malapit na Jollibee. Nilagay nilalahat ng pagkain sa isang picnic basket para magmukhang sila mismo ang nagluto ngkanin, manok at burger steak.Malakas silang kumain ng baon nila habang hagakhak nang hagakhak sa mganakakatawang istorya ng isa’t isa. Lumaki ang mata ni Ginoong X. Parang hindi na siyamakahinga. Naging kulay lila na ang kanyang balat. Pilit gustong maabot ni Ginoong Xang kanilang picnic basket. Tumalikod si Odessa para kunin ang picnic basket atpaglingon niya, bigla na lamang niyang nakita ang kanyang kasamang si X nanakahilata sa tigang na lupa katabi ang picnic basket.Inisip agad ni Odessa na tumawag ng pulis o ng ambulansya ngunit hindi niyapala alam ang numero ng mga ito kaya sumigaw na lang siya nang napakalakas.Dumating ang isang doktor ngunit hindi na siya umabot. Patay na si Ginoong X.Matagal ding pinag-aralan ng mga doktor ang dahilan sa likod ng pagkamatay niGinoong X. Nakita nila na punong-puno ng manok at kanin ang lalamunan ni Ginoong Xkaya hindi siya nakahinga. Mainit at kulang pala sa tubig ang katawan ni Ginoong Xkaya hindi niya malunok ang kinakain. Tubig lamang mula sa kanyang picnic basket angmakakasagip sana sa kanya.
0