Answers

  • Brainly User
2016-02-11T09:03:57+08:00
1)  Modernisasyon ng Agrikultura - makabago at modernisadong makina sa pagtatanim at pag-aani, at sa patubig;  pagsuporta sa mga Pilipinong imbentor at teknolohiya sa pag-aalaga ng mga manok, baka, at iba pang hayop na pinagkukunan ng pagkain.

2)  Pagpapahalaga sa karapatan ng mga magsasaka sa kanilang mga lupain sinasaka.  Kung ang isang magsasaka ay may pinansiyal na pangangailangan, hindi dapat tanggapin ang kanyang lupa bilang kolateral sa kanyang utang sa pamahalaan at mahigpit na batas din sa mga pribadong institusyon (katulad ng bangko) at pribadong mamamayan na tanggaping kolateral ang lupa ng mga magsasakang umuutang sa kanila.  Bagkus ay bigyang halaga na ang lupang sinasaka lalo na at kung ito lamang ang pangkabuhayan ng magsasaka.

3)  Patas at mahigpit na pagpapatupad sa Agrarian Reform Programs.

4)  Magandang insfrastructure (daan, tulay) mula sa kabukiran patungo sa pamilihan upang mas madali sa mga magsasaka na maidala sa mga pamilihan ang kanilang mga ani ng hindi na dadaan sa mga middlemen/agent na higit na kumikita kaysa sa mga magsasaka at mangingisda dahil sa mababang pagbili ng mga ani , huli at iba pang produkto nila.  

5)  Bigyang halaga ang ginagawa ng mga siyentistang Pilipino lalo na yung na nasa IRRI sa UP Los Banos, CLSU sa Nueva Ecija at mga paaralang gumugugol ng pondo at grant upang mapaunlad ang teknolohiyang pang-agrikulutra.

6)  Bigyang halaga ng mga unibersidad at kolehiyo ang mga kursong pang agrikulura pati na ang mga mag-aaral na kumukuha ng kurson pang-agrikultura.  Bigyan ng malaking sahod ang mga graduate ng kursong ito.  Ipakita ng mga paaralan na hindi dapat matahin ang mga mag-aaral na ito dahil sila ang mas malaki ang maitutulong sa ekonomiya dahil kung walang pagkain sa hapag, walang malusog na taong magiging doktor, inhinyero, abugado, guro, at iba pa.

6) Lakihan ang alokasyon mula sa national budget para sa agrikultura, at ipagbawal ang pagkuha ng pondo mula dito na gagamitin sa mga urban areas.

7)  Higpitan ang mga bumibili ng sakahang panlupa upang gawing subdibisyon at malls.   
 

0