Answers

2016-02-14T14:15:26+08:00
Likas na mahirap humanap ng ikabubuhay sa rehiyon. gayunpaman, ang mga ilocano ay likas na masipag, malikhain at matipid. bihasa sila sa paggawa ng sisidlan ng tubig o imbakan ng bagoong o (burnay) na yari sa semento, buhangin at mga lalagyan ng bulaklak na yari sa luwad (paso). kilala rin ang kumot na yari sa ilocos. ito ay tinatawag na "kumot-ilokano" (inabel). mahusay silang magtanim ng tabako (virginia) na siya nilang pangunahing produkto. makasining din ang mga ilocano. mula sa kanila ang epikong "biag ni lam-ang," gayundin ang "dallot" na napakikinggan sa panahon ng pagdadalamhati. mula sa pangkat na ito galing ang dalawang naging pangulo ng pilipinas na sina elpidio r. quirino at ferdinand . marcos.



0