Answers

2016-02-13T16:30:13+08:00
Kabanata 10: karangyaan at karalitaan

Hiniling si Sinoun kay kabesang tales na kung maaari siyang makituloy sa kanyang tahanan upang doon ganapin ang pagbenta ng alahas niya. Mga bandang gabi ay bumisita sina kapitan Basilio, Hermana Penchang, at si Sinang upang bumili ng mga tindang alahas ni Simoun. May iniwang liham si Kabesang Tales para kay Simoun na nagsasabi na kinuha niya ang revolber ni Simoun at ipinalit nito ang relikaryo ni Maria Clara na ibinigay ni Basilio kay Juli.
Maya maya ay dumating ang mga guwardiya sibil na hinahanap sa Tales at dahil hindi nila ito makita ay dinakip nila si Tandang Selo.

Kinagabihan ay natagpuang patay ang isang asenderong fraile at ang bagong kasama nito na basag ang bungo at puno ng lupa ang bibig. Sa bayan naman ay natagpuan ding patay ang asawa ng kasama na ginilitan ng leeg at puno rin ng lupa ang bibig. Sa tabi nito ay may papel na nakasulat na Tales na isinulat gamit ang dugo.

Tauhan:
Simoun                                                    Sinang
Kabesang Tales                                      Tandang Selo
Kapitan Basilio                                         Mga Guwardiya Sibil
Hermana Penchang

0