Answers

2015-08-12T14:48:57+08:00
1. Ikinalulungkot ko ngunit, ang ating ama ay sumakabilang buhay na.
2. Paano natin haharapin ang mga malilikot na kamay kung tayo mismo ay hindi natin mabantayan ang atin?
3. Tignan mo nga yang polo mo, hinahabol ng plantsa eh!
4. Maganda sana ang ating buhay ngayon, kung hindi sumakabilang bahay si tatay.
5. Nasa gitna na kami ng byahe ng nagkaroon ng tawag mula sa kalikasan si Chinchin.
6. Nang mag-isang dibdib si Pedro, hindi na kami naging magkaibigan.
7. Ayaw kong lumabas ng gabi sapagkat maraming kalapating mababa ang lipad sa aming lugar.
8. Nahuli ang mag-nobya na naglalabing-labing sa sinehan kaya sila pinalabas.
9. Sana'y walang mga makakati ang labi sa lugar na ito.
10. Kung gusto mo talaga siya, at mahal ka rin nya, mabuti pang lumagay na kayo sa tahimik, 
56 4 56