Answers

2016-02-23T19:22:21+08:00
Ang mga Sakit na naipapasa sa pakikipagtalik o mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik(Inglessexually transmitted infections o STI[1]sexually transmitted diseases o STD[2], o venereal diseases o VD [2][1][2] ay tumutukoy sa iba’t ibang uri ng mga impekisyon na naipapasa o nakukuha sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa isang taong mayroong ganitong uri ng karamdaman. Nanggagaling ang mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik mula sa mga mikrobyong nasa ibabaw ng balat ng tao, at maging mula sa mga likido o pluido ng katawan, katulad ng semilya ng mga nahawaang lalake, pluwido sa mga ari ng mga nahawaang babae, o mula sa dugo ng parehong lalake at babae. Kumakalat ang mga mikrobyo mula sa isang taong may sakit sa pamamagitan ng sekswal na padidikit ng mga balat, dugo at iba pang mga pluido mula sa katawan. Pumapasok ang mikrobyo sa katawan ng tao sa pamamagitan ng pagpasok sa ari ng babae, sa bibig, sa butas ng puwit, sa mga sariwang sugat at mga hiwa. Hindi lumalaganap ang mga karamdamang nakukuha sa pagtatalik sa pamamagitan ng pangkaraniwan lamang o kaswal na paglalapit ng balat. Hindi rin ito natatanggap sa pamamagitan ng paliligo sa mga pampublikong languyan, at hindi rin nagmumula sa simpleng pag-upo sa isang kasilyas.[2] Ang salitang venereal ay isang hindi gaanong ginagamit na kataga para sa mga sakit na nakukuha dahil sa pakikipagtalik.[3]
1 3 1