Answers

2016-02-24T15:25:56+08:00
Ang West Philippine Sea, kung saan matatagpuan ang mga isla ng Spratly, ang pangalawa sa pinakaabalang karagatan sa buong mundo kung saan madalas dumadaan ang mga malalaking bapor na nagsasakay ng mga langis pang-kalakal. Bukod pa rito, ang bahagi ng karagatang iyon ay mayaman sa gaas at langis kung kaya't isang malaking potensiyal para sa isang bansa ang lokasyon ng mga isla ng Spratly. Inaangkin ito ng mga bansang Brunei, Malaysia, Vietnam, Taiwan, Tsina, at Pilipinas.  Walang naitalang naninirahan sa mga isla ng Spratly ngunit may makikitang mga kwartel ng militar mula sa iba't ibang bansang umaangkin nito

0