Gumawa ng mga pangungusap gamit ang mga salitang : suklob, humilis,kumalanting,agung,manik,hihip,makasabat ,anas,dalisdis at nakayungyong.....

2
Ang lalim talaga ng mga salitang ginamit ng Batanguenong manunulat na si Ed Ed Maranan. Ang mga salitang ito ay halaw sa Carlos Palanca winner "Ang Ambahan ni Ambo"
**Ed Maranan :-)

Answers

  • Brainly User
2016-02-24T17:02:57+08:00

1) suklob – taklob o takip

Pakilagyan ng suklob ang iyong ulo dahil pagabi na at mukhang aambon pa.

2) humilis – tumugtog  

Mahusay humilis ng biyulin ang aking ama.

3)  kumalanting – tumugtog sa pamamagitan ng pagpitik ng instrumentong may strings

Pinag-aralan niyang mabuti ang kumalanting ng gitara para makasama siya sa paghaharana.

4)  agung – isang uri ng gong

Ang agung mula sa isang tribu sa Mindoro ay nasa eksibit sa museo.

5)  manik – butil na gamit sa paggawa ng kuwintas

Pinili kong mabuti ang mga manik na ito para sa iyong gagawing rosaryong kuwintas.

6)  hihip – plawtang kawayan

Binigyan ako ni Kuya Jose ng hihip bilang regalo sa aking kaarawan.

7)  makasabat – makasalubong

Nagmamadali na sana ako sa pag-uwi nang makasabat ko Marilyn at malungkot na ibinalita sa akin ang pagkamatay ng kanyang aso.

8)  anas – mahinang ingay

Sa simula ay isang anas lamang, ngunit makalipas lamang ang ilang segundo ay maingay nang rumaragasa ang agos ng tubig-ulan galing sa burol.

9)  dalisdis – gilid ng bundok

Napagandang pagmasdan ang dalisdis ng bundok ng Bulkang Mayon.

10) nakayungyong – nagbibigay ng lilim

Ang mayayabong na mga dahon ng puno ng mangga ay nakayungyong sa aking duyan.

1 1 1
Sinulat ko ang mga pangungusap na ito para sa Grade 7 :-)
2016-02-24T17:05:40+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Ang suot niyang suklob ay mas lalong nakapagdagdag sa kagandahang kanyang angkin.

Nakakaawang tingnan ang humilis nilang bahay sanhi ng mga bagyong dumaan.

Masakit ang aking teynga sa mga kumalanting na gamit mula sa kabilang kwarto. 

Isa sa pinakamalaking instrumento noong sinaunang panahon ang agung.

Bagay sa kanya ang kanyang manik niya.

Ang hihip hangin ay nakakapanindig balahibo.

Kung makasabat naman ang lalaking ito para talagang may alam siya sa nangyari.

Nakakakilabot ang anas ng matandang maysakit.

Sa dalisdis ng bundok nakita ko ang matandang nakaputi.

Nakayungyong ang kanyang sombrero kaya hindi siya nakilala ng mga pulis.


0