Answers

2016-02-28T17:51:46+08:00
Sa isang madawag na gubat malapit sa kahariang alberno, matatagpuan ang isang mala-adonis na lalaki na nakatali sa malaking puno. Ang lalaki ay ang mandirigmang si Florante ng kahariang Albanya. Makinis ang balat na halos hindi nadapuan ng langaw ngunit ngayo’y hindi lamang ang katawan ang sugatan kundi pati na rin ang nagdurusang kalooban. Madilim at masukal ang kapaligiran at halos hindi nasisikatan ng araw bunga ng malalagong dahon na matitinik na punong kahoy. Ang huni ng ibon ay kalunos-lunos at higit na nagpapanglaw ng buong paligid. Maraming gumagalang hayop sa gubat tulad ng h’yena’t tigre at maging mga syerpe’t basilisko. Subalit hindi lamang ang nagbabantang kamatayan ang labis na ipinagdaramdam ni Florante kundi ang kinahahantungan ng baying Albanya na kanyang pinaglingkuran at maging ang kasintahang si Laura. Milinlang sya ng mga pagtataksil at pagbabalatkayo.
0