Answers

2016-03-01T11:49:50+08:00
Pang-ukol

Ang pang-ukol (Ingles: preposition) ay kataga o salitang nag-uugnay sa pangngalan o panghalip sa ibang salita sa pangungusap.

sa    para sa    ayon   para kay    tungkol sa    na may

Halimbawa: Ang kanyang nilutong ulam ay para sa kanyang asawa at mga anak.

Mga Gamit ng Pang-ukol

1. Nagpapakita ng kinalalagyan o patutunguhan ng isang bagay. Halimbawa: Ang pera ay nasa loob ng kuwarto ni Coby.

2. Upang ipakita ang dahilan o pagmamay-ari. Halimbawa: Ang bagong damit ay para kay Lita.

3. Ang layon ng pang-ukol ay maaaring pangngalan o panghalip. Halimbawa: Ang kanyang talumpati ay para sakababaihan. Marami siyang kinuwento tungkol sa pagpapalago ng negosyo.

0