Answers

2016-03-05T15:34:13+08:00
Mga TauhanCrisostomo Ibarra - Binatang nag-aral sa Europa at pangarap niya ay magtayo ng isang paaralan para sa mga kinabukasan ng mga kabataan at nasa kamay ng mga pari sa pamamagitan ng pagtingin sa kanyang mga gawain dahil alam niya ang kaalaman mula sa Europa
Elias - Isang Piloto at magsasaka na tumulong kay Ibarra para lamang tulungin siya sa pagkakaalam ng problema ng bayan  -- ( Troy Montero)
Kapitan Tiyago - Ama-amahan ni Maria Clara at isang sipsip sa simbahan. Mayroong siyang malaking bahay at inbitihan niya si Ibarra sa isang -- (Vic Sotto)
Padre Damaso - isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya pagkatapos nang maglinkod siya sa simbahan ng Bayang San Diego  ---( Vic Diaz)
Padre Salvi - Kurang pumalit para kay Padre Damasao at nagkaroon ng paggusto kay Maria Clara. Isa rin siyang tagabantay ng mga gawain ni Ibarra.  --- (Uma Khouny)
Maria Clara - Ang sinasabing pinakamagandang babae sa buong bayan. Noong bata pa sina Maria at Ibarra may kasunduan inihatid ni Don Rafael kay Kapitan Tiago na sa paghinaharap ay magkakasal ang dalawang anak nila. Siya rin ang mahal ni Ibarra hanggang ngayon.
Pilosopo Tasyo - Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Isa rin siya sa mga tao na hindi naniniwala sa Purgatoryo dahil sa pagbigay ng abuso ng indulgence sa pamamagitan ng pagdasal sa mga santo o patay.   (Big Brother)
Sisa - Isang masintahing ina nina Crispin at Basilio at ang kanyang tanging kasalanan bilang isang in a ay magpakasal sa isang asawang pabaya at malupit (Sharon Cuneta)
Crispin - Isa sa dalawang anak ni Sisa at sakristan na may pinabintang mga mataas na posisyon sa halaga ng reales.
Basilio - Ang panganay na anak ni Sisa at sakristan din siya katulad ni Crispin pero walang pinabintang sa kanya. Hindi niya tinulong si Crispin dahil nag-alala siya sa kalusugan ng kanyang ina. Gusto rin niya maging isang trabahador at estudyante ni Ibarra
Alperes - Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa bayan ng San Diego(Lito Lapid)
Donya Victorina – Babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila. (Snooky Serna)
Donya Consolacion – Napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali. (Ruffa Guiterrez)
Don Tiburcio de Espadaña – Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina. (Phillip Salvador)
Linares – Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.(Raymond Gutierrez)
Don Filipo – Tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin; ama ni Sinang (Paolo Bediones)
Nol Juan – Namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.

Lucas – Taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra. (Rayver Cruz)
Tarsilo at Bruno – Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.
Tiya Isabel – Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara. (Toni Rose Gayda)
Donya Pia – Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya’y maisilang. (Kristina Paner)
Iday, Sinang, Victoria,at Andeng – Mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego  ( Sinang- Toni Gonzaga)
Kapitan-Heneral – Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra. (Tirso- Cruz III)
Don Rafael Ibarra – Ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe. Tinulong niya ang isa sa mga kabataan ng bayan ng San Diego. Habang tinulong niya ang bata sa proseso, namatay ang enconmiendero. Ang kanyang bangkay ay inihagis lamang sa tabing-ilog dahil sa awa ng selpultero na dapat dinala sa libingan ng mga Tsino. (Ricky Davao)
Don Saturnino – Nuno ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.(Joey De Leon)
Mang Pablo – Pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias. (Rico Barrera)
Kapitan Basilio – Ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin (TJ Trinidad)
Tinyente Guevarra – Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama. (Oscar Moreno)
Kapitana Maria – Tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama. (Susan Roces)
Padre Sibyla – Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra. 
Albino – Dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa. (Ryan Agoncillo)

0