Answers

2016-03-15T15:28:12+08:00
Buod ng Kabanata 49 Ang Tinig ng mga Inuusig Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay hindi nasisiyahan. Kaya, kaagad na humingi ng paumanhin si Elias sa pagkagambala niya sa binata. Sinabi ni Ibarra ang dahilan, nakasalubong niya ang alperes at gusto nitong muli na magkausap. Dahil nag-aalala siyang makita si Elias, nagdahilan na lamang siya. Naalala rin niya ang balak niyang dalawin si Maria. Sa Bangka ay hindi na nagpaligoy-ligoy si Elias. Sinabi ni Elias na siya ang tinig ng mga sawimpalad. Si Kapitan Pablo na puno ng tulisan na ang pangalan ay hindi niya binanggit ay humihingi ng pagbabago sa pamahalaan tulad ng paglalapat ng katarungan, pagbibigay ng dignidad sa mga tao, at pagbawas ng kapangyarihan sa mga guwardiya sibil na nagiging dahilan ng kanilang pag-aabuso sa karapatang pangtao.. Handa si Ibarra na gamitin ang pera upang humingi ng tulong sa mga kaibigan niya sa Madrid at pati sa Kapitan Heneral pero iniisip niya na sa halip makabuti ay baka lalong makasama ang kanilang balak. Ipinaliwanag ni Ibarra na ang pagbawas ng kapangyarihan ng sibil ay makasama dahil baka malagay naman sa panganib ang mga tao. Sinabi ni Ibarra na upang magamot ang sakit, kailangang gamutin ang sakit mismo at hindi ang sintomas lang. Kapag malala na ang sakit, kung kailangan ang dahas para ito ay masugpo ay kailangang ilapat ang panlunas kahit na mahapdi. Nagdebate sila sa buting nagawa ng simbahan at ang sanhi ng panunulisan ng mga tao. Hindi napapayag ni Elias si Ibarra sa kaniyang pakiusap sa binata kaya sinabi nitong sasabihin niya sa mga sawimpalad na umasa na lang sa Diyos.
0