Answers

2016-03-22T23:09:14+08:00

Kapag pinag-uusapan ang tungkol sa pulitika,talagang magulo.Maraming agam-agam ,puno nigh takot,at higit sa lahat puno ng dayaan.Ang politika sa bansa ay hindi naman talaga kanais-nais,mayroon lang talagang mga kandidato no ahas at sakim sa pera.Kung ikaw ang tatanungin,anong klaseng kandidato ang  gusto mo?Ano ang maaring katangian ng isang kandidato na maari mong ipagmalaki?

                   Kung ako ang tatanungin,ang kandidatong aking maipagmalaki at gugustuhin ay isang kandidatong may takot sa Diyos,may ginintuang puso,at higit sa lahat hindi makasarili.Kung ang isang kandidato ay may takot sa Diyos,hindi siya gagawa ng mga bagay na labag sa kanyang  batas.Ang kandidatong may ginintuang puso,ay marunong tumingin at makinig sa mga taong nangangailangan ng kanyang tulong at pansin.Mas iniuuna niya ang kapakanan ng mahihirap kaysa mga taong may kaya sa buhay.Ang kandidato ay dapat kilala,hindi lang sa panahon ng eleksiyon ngunit kahit sa anong oras ng pangangailangan.Mayroon naman kasing ibang kandidato na makikita lamang tuwing panahon ng eleksyon.

                    Sa panahon ngayon na naghihirap ang ating bayan,kailangan maging bukas ang ating mga isipan upang mapili natin ang karapat-dapat sa ating Gobyerno.

0
ay may malasakit sa bayan at sa mga tao,hindi ninanakaw ang pera ng taong bayan.
2016-03-25T20:44:01+08:00
Ang kandidatong matulungin (as in talagang tumutulong), ang kandidatong hindi magnanakaw, manggugulo o hindi pa talagang pwede maging presidente(malamang!)

Kaya kung pwede akong bumoto, ang iboboto ko ay si... ay teka, sya rin naman eh... a, KAKLASE KO! Para sa presidente ng klase.
0