Answers

2016-04-13T09:39:59+08:00
Marami na ngayon ang mga makabagong teknolohiya ang naiimbento. May dalawang epekto ang makabagong teknolohiya ngayon. Ito ay ang positibo at negatibong epekto. Positibong epekto dahil nagdudulot ito ng mabuti sa ating emosyonal at sosyal. Negatibong epekto rin dahil nagdudulot ito ng kasamaan sa ating katawan. Isa sa mga halimbawa ng makabagong teknolohiya ngayon ay ang cellphones.Ang positibong dulot ng cellphones ay napapadali nito ang ating pakikikomunikasyon sa ating mga mahal sa buhay. Lalo na kung sila ay nasa malalayong lugar dahil dito nasasabiu agad natin ang mga mahahalagang pangyayari na biglaan na dapat nlang malaman. Lalo na kung kalian ng kanilang tulong. Dahil dito napapasaya tayo lalo na kung ang nagtext sa atin ay ang ating napakaespesyal na tao sa ating buhay. Marami pang positibong epekto dulot ng paggamit ng cellphones. Sa kabila ng mga positibong epekto ng paggamit ng cellphones ay nagdudulot rin ito ng mga negatibong epekto. Isa na rito ay ang pagkalulong ng mga kabataan at labis na paggamit nito ay nagdudulot ng masamang epekto lalong-lalo na sa ating katawan. Natutunan rin ng mga kabataan ang paggamit ng mga acronym na hindi angkop lalong-lalo na sa mga estudyante dahil maaari niya itong madala sa kanyang pag-aaral. Ito rin naging hadlang  ng ibang estudyante s akanilang kinabukasan . Dahil dito hindi na sila makapokus sa kanilang pag-aaral.Kaya dapat nating ilagay sa tamang oras ang pagamit ng makbagong teknolihiya. Iwasan ang paggamit ng mga ito at lagging isa-isip na kahit pa na nakakapagpadali ito sa ating pang araw-araw na pamumuhay ay mayroon din itong katumbas na masamang epekto.
0