Answers

2016-06-13T14:41:48+08:00

Ang Kaharian ng Thailand ay isang bansa sa Timog-silangang Asya, napapaligiran ng Laos atCambodia sa silangan, ang Golpo ng Thailand at Malaysia sa timog, at Dagat Andaman atMyanmar sa kanluran. Nakilala ang Thailand bilang Siam, na naging opisyal na pangalan hanggang 11 Mayo 1949. Nangangahulugang "kalayaan" ang salitang Thai (ไทย) sa wikangwikang Thai. Pangalan din ito ng mga grupong etnikong Thai - na nagdudulot sa ilang nakatira dito, partikular ang mga kalakihang minoryang Instik, na patuloy na tawagin ang bansa bilangSiam.

Mga nilalaman  [itago] 1Kasaysayan2Pagkakahating Administratibo2.1Gitnang Thailand2.2Silangang Thailand2.3Hilagang Thailand2.4Hilagang Silangang Thailand2.5Timog Thailand3Heograpiya4Demograpiya5Edukasyon6Mga sanggunian

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Dahil sa heograpikal na lokasyon, ang kultura ng mga Thai ay labis na naimpluwensiyahan ng Tsina at ng India. Subalit, marami ring mga kakaibang kulturang umusbong sa Thailand simula noong nagsimula ang kultura ng Baan Chiang.

Ang unang estadong Thai na nabuo ay nagsimula sa isang Kahariang Budhista ng Sukhothai noong 1238, kasunod ng paghina at pagbagsak ng Emperyong Khmer noong ika-13 - hanggang ika-15 siglo.

Isang siglo ang lumipas, ang kapangyarihan ng Sukothai ay natabunan ng mas malaking kaharian ng mga Ayutthaya, na nabuo noong kalagitnaan ng ika-14 na siglo, matapos masakop ang Angkor noong 1431, halos lahat ng korte at mga kaugaliang Hindu ay dinala sa Ayutthaya, at ang mga kaugalian at mga ritwal ay kinuha ng kultura ng mga Siam.

Pagkatapos ng pagbagsak ng Ayutthaya noong 1767, Ang Thonburi ay naging kabisera ng Thailand sa sandaling panahon sa ilalim ni Dakilang Haring Taksin, hanggang magkaroon ng kudeta noong 1782.

Ang kapangyarihang Europeo ay nagsimulang dumating noong ika-16 na siglo. Kahit na malakas ang mga Europeo, ang Thailand ay nag-iisang bansa na hindi nasakop sa Timog Silangang Asya. Ang dalawang pangunahing dahilan nito ay dahil ang Thailand ay may matagal na pagpapasa ng mga mahuhusay na pinuno noong 1800 na nakayang gamitin ang tensiyon sa pagitan ng Pranses at mga Briton.

Noong 1932, isang mapayapang himagsikan ang nagresulta sa isang bagong monarkiyang konstitusyunal. Noong digmaan, ang Thailand ay kakampi ng Hapon. Ngunit pagkatapos ng digmaan, naging kakampi naman ito ng Estados Unidos. Ang Thailand ay nagkaroon ng walang katiyakang pamahalaan, kaya't dumaan ito sa mga sunod sunod na kudeta, ngunit natuloy din ito sa demokrasya noong 1980.

Noong 1997, ang Thailanday tinamaan ng krisis pinansiyal ng Asya kaya ang baht ay nagkahalaga ng 56 baht bawat isang dolyar EU kumpara sa 25 na baht noong bago pa tumama sa bansa ang krisis.

ng Buodhismo sa Thailand.

Ang pinuno ng pamahalaan ay ang Punong ministro, na pinipili ng hari mula sa mga kasapi ng mababang kapulay kaunting direktang kapangyarihan ayon sa konstitusyon; subalit, bilang haungan ng parliyamento, na kadalasang pinuno ng partido ng mayoryaPlitika at Pamahalaan

Ang Hari ay mri, siya ay simbolo ng pambansang pagkakakilanlan at ang napiling nakapagtanggol. Kadalasang tinatalaga ng Punong Ministro ang gabinete.

Ang parliyamento ay tinatawag na Pambasang Kapulungan (รัฐสภา, rathasapha) at ang kanyang kamara: na binubuo ng Kapulungan ng mga Kinatawan (สภาผู้แทนราษฎร, sapha phuthaen ratsadon) na may 500 pwesto at ang Senado (วุฒิสภา, wuthisapha) na may 200 pwesto. Ang mga kasapi ng parehong Kapulungan ay inihahalal sa pamamagitan ng pouplar na botohan. Ang sistema ng hudikatura (ศาล, saan) ay may tatlong antas, ang pinakamataas ay ang Kataastaasang Hukuman (ศาลฎีกา, sandika).

Aktibong kasapi ang Thailand ng ASEAN.

2 3 2